12-anyos pisak sa bus

MANILA, Philippines - Pisak ang katawan ng 12-anyos na totoy makaraang masagasaan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Salipyasin, bayan ng  Kabasalan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng umaga. Idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Modisar Musa ng Barangay Bangkaw-Bangkaw sa bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay. Nabatid na nakikipaghabulan ang biktima sa kaniyang kalaro sa gilid ng highway nang bigla itong tumawid. Dito na nahagip ng Rural Transit Bus (JVK 870) ni Arnold Tayros ang bata na sinasabing binalewala ang pagbusina ng sasakyan. Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng bus.

 

Show comments