Misis na inanod natagpuang patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Natagpuan na ang bangkay ng 40-anyos na misis na nakunan pa ng video habang inaanod ito sa ibabaw ng kubo ng rumaragasang alon sa ilog sa kasagsagan ng bagyong Labuyo sa Barangay Dipangit, bayan ng Jones, Isabela kamakalawa.
 Kinilala ang biktima na si Benny Labio ng Barangay Masaya Sur, bayan ng San Agustin.
 Ayon kay San Agustin Mayor Virgilio  Padilla, sinasabing may problema sa pag-iisip ang biktima na tumangging sumama sa mga kaanak na sumusundo sa kanya nang gabing bago manalasa ang bagyong Labuyo.
 Si Labio ang ikalawang casualty sa Cagayan Valley kasunod ni Mariano dela Cruz na inanod din sa ilog habang itinatawid ang alagang kalabaw sa bayan ng Dupax del Sur, Nueva Viscaya.


Show comments