Guro binaril, kritikal

MANILA, Philippines - Agaw buhay ngayon ang isang 48 anyos na guro matapos itong barilin ng hindi pa nakilalang armadong lalaki sa loob ng silid aralan ng isang elementary school sa Brgy. Poblacion, Dimataling, Zamboanga del Sur kamakalawa.

 Base sa report, kinilala ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca ang biktima na si Crestina Dioño, guro sa Grade 1 Class Adviser ng Dimataling Ele­mentary School sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

 Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa likurang bahagi ng ulo na naglagos sa kaniyang kaliwang mata at patuloy na isinasalba ang buhay sa pagamutan. 

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-5:20 ng uma­ga sa loob ng silid aralan habang abala ang biktima sa paggawa ng kaniyang lesson plan matapos na sa iskul na ito matulog.

 Isang lalaki ang nagmamadaling tumalilis sa nasabing lugar pero hindi ito namukhaan ng ilang testigo na naninirahan malapit sa paaralan dahilan nakatalikod ang nasabing suspek.

 

Show comments