Mister dinedo sa araw ng kaarawan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napaslang sa araw mismo ng kanyang kaarawan ang 32-anyos na mister makarang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa harap ng kanyang mga kainuman sa gilid ng M.H Del Pilar Street, Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.
 Sa police report na nakarating sa bagong hepe ng Laoag City PNP na si P/Supt. Jeffry Gorospe, lumalabas na tumayo ang biktimang si Kenneth Bumanglag upang sagutin ang tawag sa kanyang cell phone kung saan doon na siya nilapitan at niratrat ng tandem. Bulagta ang biktima na may tama ng bala sa noo, mukha, dibdib at iba’t ibang parte ng katawan sa harap ng kanyang mga nagulantang na kainuman.


 

Show comments