Bahay ng kandidato, niratrat

BATAAN, Philippines – Pinagbabaril ng mga di-kilalang kalalakihan ang bahay ng 58-anyos na mister na sinasabing kakandidato sa pagka-barangay chairman sa Phase ll Saint Francis Subdivision sa Barangay Tuyo, Balanga City, Bataan. Nagkabutas-butas ang bubungan at bintana ng bahay ng mag-asawang Ernesto Calma, at Evangeline Calma, 51, accountant sa Provincial General Services Office. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel Tampis, hepe ng Balanga City PNP, naganap ang pamamaril habang natutulog ang mag-asawa at dalawa nitong anak. Tumagal ng ilang minuto ang pamamaril bago tumakas ang grupo lulan ng traysikel. Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crimes Operative (SOCO) ang iba’t ibang basyo ng bala ng cal. 45 pistol at M16 Armalite rifle.

 

Show comments