7 tiklo sa illegal fishing

CAMARINES NORTE, Philippines - Swak sa kulungan ang pitong mangingisda makaraang arestuhin ng mga awtoridad kaugnay sa paggamit ng iligal na pamamaraan sa pangi­ngisda sa karagatang sakop ng Barangay South Poblacion sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte  kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rodel Bergonio, 53;  Jess Garcia, 35;  Joel Garcia, 31; Jose Galias,  49;  Freddie Osorio, 54;  Winnie Bergobio, 51; Jaime Bergonio, 20, pawang mga  residente ng Barangay Sta. Milagrosa sa nasabing bayan. Nabatid na gumagamit ng pampasabog na bigas-bigas ang mga suspek sakay ng motorized banca. Kinumpirma naman ni Zosimo P. Guazon, fish examiner ng  provincial agricultu­rist office  na ginamitan ng paputok ang nakumpiskang mga isda.

 

Show comments