Manager ng mall pinabulagta

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines– Bulagta ang 30-anyos na manager ng mall na sinasabing bading makaraang saksakin ng kanyang tauhan habang nakikipag-inuman kamakalawa ng gabi sa Barangay Cabangan, Legazpi City, Albay. Idineklarang patay sa pagamutan ang ma­nager ng department store ng  mall na si Henry Hugangos, tubong Sorsogon at kasalukuyan na nangungupahan sa apartment sa naturang barangay. Samantala, naaresto naman ang suspek na si Jaypee Barlizo, kawani ng mall sa nabanggit na lungsod.  Base sa police report, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa sa inuupahang apartment ng biktima kung saan nang malango sa alak ay tinangkang hawakan ang maselang bahagi ng katawan ng suspek. Dito nagalit ang suspek na nagulat sa inasal ng kanyang manager at dahil sa pagkalango sa alak  kaya nagawang undayan ng saksak ang biktima.

Show comments