Sekyu binasag ang ulo

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 36-anyos na security guard makaraang basagin ang bao ng ulo ng mga di-kilalang lalaki na nanloob sa binabantayan nitong eskuwelahan sa Barangay Sta. Isabel, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Jesus Madijanon ng Barangay Matimbo at sekyu ng Dragon Heart Security Services sa Brgy. San Juan. Ayon kay PO2 Carlo Romulo Palma, bandang alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima sa ikalawang palapag ng Holy Infant Academy. Binasag din ng mga kawatan ang pintuang salamin ng accounting department at opisina ng principal. Natagpuan naman ang cal. 38 revolver ng biktima kung saan inaalam pa ng pulisya ang mga gamit at malaking halaga na tinangay ng mga kawatan.

Show comments