3 pinabulagta ng tandem

LIBUNGAN, North Cotabato, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa tatlo-katao makaraang  pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng national highway sa Barangay Baguer, bayan ng Libungan, North Cotabato  kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP ang tatlo na sina Usman Canting, Usman Normi Abdullah, at si Sajabudin Abdullah Guiamil. Samantala, nakaligtas naman ang guro na si Abdullah Rahman Ali Cali na pawang nakatira sa Kampo Muslim, Cotabato City. Sa pagsisiyasat ng pulisya, sakay sa dalawang motorsiklo ang mga biktima patungong bayan ng Pikit, North Cotabato para dumalo sa Islamic Symposium nang sundan at ratratin ng gunmen pagsapit ng nabanggit na lugar.

 

Show comments