Ex-CAFGU itinumba sa tindahan

CAMARINES NORTE, Philippines - Napatay ang 46-anyos na dating miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harapan ng tindahan sa Barangay Mocong, bayan ng Bacud, Camarines Norte kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Joel Arciga, karpintero at nakatira sa Purok 3 sa nabanggit na barangay. Samantala, tinamaan naman ng ligaw na bala ng cal. 45 pistol ang dalawang lalaki na sina Felix Salvador at Randy Aceron. Sa ulat ni SPO1 Jay Bacerdo na nakarating kay P/Chief Insp. Antonio Lacson, nakikipagkuwentuhan ang biktima sa ilang kaibigan nang lapitan at ratratin  ng mga di-kilalang lalaki. Narekober sa crime scene ang 6-basyo ng cal. 45 pistol.

 

Show comments