Sinuspinde sa trabaho, nagbigti

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kusang nagpasalubong ay kamatayan ang 30-anyos na mister na sinasabing sinuspinde sa trabaho makaraan itong magbigti sa loob ng kanilang apartment sa Barangay Kinamaligan sa Masbate City, Masbate kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-2 ng madaling-araw nang matagpuan sa loob ng palikuran ang bangkay ni Jolito Morales, electrician ng Gaisano Capital at tubong Barangay Bugla-an, Cebu City, Cebu. Huling namataang buhay ang biktima na umiinom ng alak sa Cawayan Resort. Napag-alamang sinuspinde sa trabaho ang biktima dahil sa nagastos nito ang malaking halaga na ipinagkatiwala ng kanyang kompanya kung saan sinasabing magkabilaan ang pagkakautang nito na hindi naman nababayaran.

Show comments