MANILA, Philippines - Bumulagta ang 43-anÂyos na Municipal Environment and Natural ResourÂces Officer at kaangkas nitong kaibigan matapostambangan ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng highway sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang mga napatay na sina Camilo Castones, MENRO officer at kawani ng lokal na pamahalaan ng Rosario, Agusan del Sur; at Joseph Camarillo, 18, tricycle driver at naninirahan naman sa Purok Bahi, Barangay Sta. Cruz.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa patungo sana sa MENRO monitoring post nang tambangan ng mga armadong salarin pagsapit sa bahagi ng Purok Guava sa Barangay Sta. Cruz.
Kabilang naman sa anggulong sinisilip ng pulisya ay personal na alitan at trabaho ng biktima kaugnay ng operasyon ng minahan sa bulubunduking bahagi sa Brgy. Sta Cruz.