Bike vs bike: 3 patay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Kamatayan ang sumalubong sa tatlong sibilyan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Cabinitan, bayan ng Virac, Catanduanes kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Bicol Eastern Medical Center ang mga biktimang sina Jay -Ar Santos, 22; Erwin Santos, 18; at si Edsil Bernandino, 26, habang malubha naman nasugatan si Paul Bernandino, 24, pawang nakatira sa Barangay Nato Pandan. Base sa police report naganap ang sakuna bandang alas-10:20 ng gabi kung saan sinasabing kapwa matulin ang dalawang motorsiklo na nagsalpukan sa medyo madilim na bahagi ng kalsada.

Show comments