PANGLAO, BOHOL , Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang 17 iba pa ang nasagip makaraang lumubog ang pampasaherong bangka sa karagatang malapit sa marine sanctuary sa Balicasag Island sa Bohol, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard.
Kinilala ang mga namatay na sina Felisa Banga, 43, nakatira sa bayan ng Calape; at Paula Lood, 68, nakatira naman sa bayan ng Dauis.
Kabilang sa nakaligtas sa tiyak na kamatayan ay sina Hazel Mijos, 22; Paulita Lofranco, 59; Hilaria Justal, 57; Anita Lodona, 45; Letlet Anota, 29; Gina Cua, 23; Zenaida Cua, 46; Lilia Gumisad, 43; Jupiter Campos, 28; Gloria DomiÂnisac, 50; Mario Alforque, 49; Herculana Agunod, 58; Marvin Guioguio, boat captain; Jerry Navarro, at ang tatlong menor-de-edad na totoy.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng PCG, overloading ang sakay ng Spirit of Norway Elay at walang kaukulang dokumento ang boat captain para sa paglalayag.
Nabatid na hindi dumaan sa pre-departure inspection ang nabanggit na bangka bago ito maglayag mula sa Balicasag Island.
Ang paglubog ng bangka ay naipaabot sa kaalaman ng PCG ng isang residente sa isla na si Derik Paculaba.