Estudyante utas sa kuryente

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kisap-matang pinatid ni kamatayan ang pangarap ng 23-anyos na graduating criminology student matapos itong makur­yente sa kinukumpuni nitong electric pump ng water tank sa binabantayang bahay sa Pines Park, Barangay Balili sa bayan ng La Trinidad, Benguet kamakalawa.
 Namatay habang ginagamot sa Benguet General Hospital ang biktimang si Milton Lamangen, caretaker sa nasabing bahay at tubong Barangay Bana-ao, bayan ng Tadian, Mt. Province.
 Lumalabas sa imbestigasyon na inakyat pa ng biktima ang kinalalagyan ng makina ng tangke para kumpunuhin nang mahawakan ang basang bahagi ng makina kung saan ito nagkikisay.


Show comments