Lover ni misis kinatay ni mister

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nagwakas ang pagiging palikero ng 32-anyos na traysikel drayber makaraang pagtatagain ng mister ng kanyang kalaguyong misis sa Barangay Anislag, bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga.

Animo’y karne ng baboy ang katawan  ng biktimang si Charlie Bonifacio, may asawa,  at nakatira sa Zone 1 ng nasabing barangay.

Samantala, sumuko naman sa opisyal ng barangay ang suspek na si Louie Manjares, 35, laborer at nakatira rin sa nasabing bayan.

Sa police report na nakarating kay P/Supt.Lorenzo Trajano, naganap ang krimen sa bakanteng bahay sa gilid ng tahanan ng mag-asawang Manjares.

Lumilitaw na maagang umalis ang suspek at iniwang natutulog ang kanyang misis sa kanilang tahanan para mamulot ng panggatong para sa pagluluto ng sinaing.

Gayon pa man, tinanghali namang nakabalik ng bahay ang suspek kung saan hindi inabutan ang kanyang misis kaya hinanap nito para magsaing.

Nang mapadako sa bakanteng bahay sa gilid ng kanilang tahanan ay nakarinig ng mga ungol ang suspek kaya ito nag-usisa kung saan bumulaga sa kanya ang pagtatalik ng magkalaguyo.

Walang inaksaya ang suspek at pinagtataga ang biktimang walang saplot sa katawan na nasa ibabaw ng kanyang misis.

Sa takot na madamay ay mabilis namang nakahulagpos ang misis palabas ng bahay na wala ring salpot at nagtungo sa kaibigang babae para magpasaklolo habang sumuko naman sa mga opisyal ng barangay ang suspek.

Show comments