Drug dealer pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinatahimik ni kamatayan ang 33-anyos na sinasabing drug dealer matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng prominenteng hotel sa Santiago City, Isabela kamakalawa ng gabi.
 Sa police report na nakarating kay Santiago City PNP spokesman P/Supt. Albert Baggayan, sakay ng motorsiklo nang  ipaparada sana  ng biktimang si Noel Pa­suyuin sa harap ng hotel nang lapitan at ratratin ng gunman. Nadiskubre ng mga operatiba ng pulisya na pinagdarausan ng pot session ang inupahang kuwarto ni Pasuyuin ng hotel base sa mga shabu paraphernalias na nasamsam. 
Nabatid na naka -billet si Pasuyuin sa hotel noon pang Hulyo 24 kasama ang 22-anyos na guest relation officer (GRO) na ngayon ay iniimbestigahan ng pulisya.


Show comments