P7-M ari-arian sinunog ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Umaabot  sa P7 milyong halaga ng ari-arian ang winasak ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang sunugin ang dalawang heavy equipment na pag-ari ng pribadong kompanya sa Sitio Ogaw, Barangay Solong sa bayan ng San Miguel, Catanduanes kamakalawa ng hapon. Bukod sa panununog ay tinangay pa ng mga rebelde sa kanilang pagtakas ang kahung-kahong dinamita na ginagamit ang kompanya sa pagtibag ng mga bato sa kabundukan na isa sa kanilang proyekto.  Hindi naman nakapalag ng mga trabahador at security guard sa takot na mapatay. Pinaniniwalaan naman hindi nagbigay ng revolutionary tax ang kompanyang Sunwest Corp. na pag-aari ng isang party-list congressman.

Show comments