6-anyos ni-rape slay ng adik

QUEZON, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 6-anyos na nene matapos halayin ng di-kilalang adik sa droga ay binasag pa ang bao ng ulo nito kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Pahinga Norte, bayan ng Candelaria, Quezon. Basag ang bungo at bali ang leeg at nakasubsob pa sa putikang kanal nang matagpuan ang biktimang si Antonette Lopez. Sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima noong Linggo ng gabi na akay-akay ng ‘di-kilalang lalaki na nakasuot ng jacket na may hood. Dito na hinanap ang biktima at natagpuan naman sa putikang kanal na nakasubsob ang mukha habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments