Kahero ng gasolinahan, nag-suicide

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 24-anyos na  mister matapos magbaril sa sarili sa harap ng kanyang misis sa Barangay Comon, bayan ng Aritao, Nueva Ecija,  ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romnick Austria, cashier sa gasolinahan na pag-aari ng alkalde sa nasabing bayan.

Ayon kay P/Chief Insp. Chevallier Iringan, hepe ng Aritao PNP, ang insidente ay hindi ipinaabot sa himpilan ng pulisya hanggang sa maikuwento ang pangyayari kay PO2 Cabading na agad naman na nagsagawa ng pagsisiyasat.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napag-alamang nag-suicide ang biktima noon pang Biyernes ng gabi (Hulyo 19).

Isinagawa ng biktima ang pagbaril sa kanang leeg na tumagos sa kaliwang leeg sa harapan pa ng kanyang misis na sinasabing nagdadalang-tao.

Naisugod sa Veterans Regional Hospital sa bayan ng Bayombong ang biktima bago inilipat sa  pagamutan sa Metro Manila subalit namatay din.

Show comments