Misis binoga ng lover

CAVITE, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 39-anyos na misis matapos itong barilin sa bibig ng kanyang lover sa Barangay Medicion 2B, Imus City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ni P01 Merlita Bianes, lumilitaw na kinompronta ng biktimang si Leila Belista ang kanyang lover na si Jason Ferido dahil sa madaling-araw nang umuwi. Gayon pa man, nairita ang suspek sa tinuran ng biktima kaya pinutukan nito sa bibig at mabilis na tumakas habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments