CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Magkasabay na niyakap ni kamatayan ang apat na sibilyan makaraang tamaan ng kidlat sa gitna ng palayan sa Barangay Matacon, bayan ng Polangui, Albay at sa lalawigan ng Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang dalawa na sina Rey Resurreccion, 20, estudÂyante sa Polangui Community College; at Alexis Camacho, 36, magsasaka at kapwa nakatira sa Barangay Salvacion.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, abala ang dalawa sa pagtatrabaho sa palayan nang biglang kumulog kung saan sinabayan ng matalim na kidlat na tumama sa mga biktima.
Samantala, dalawa ring magsasaka ang namatay matapos tamaan ng kidlat sa Barangay Yaway sa bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa. Nakilala ang dalawa na sina Jeremias Nabe, 20; at Albert Eldo, 51.
Napag-alamang nag-aani ng mga pananim na luya ang dalawa nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinabaÂyan naman ng kidlat kaya nagpasyang na sumilong sa kubo. Habang nakasilong ay biglang tinamaan ng kidlat ang puno na nagsisilbing poste ng sinilungang kubo kaya maging ang dalawa ay tinamaan din ng kidlat. Ed Casulla at