Tanod tinodas ng kagawad

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Pinabulagta ang 32-anyos na barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng kagawad at isa pang kasamang lalaki sa Barangay Pascual, Kalinga-Apayao kamakalawa.
 Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Rolando Campos habang naaresto naman ang mga suspek na sina Barangay Kagawad Roger Valdez at Rico Magno na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. 
Lumalabas sa imbestigasyon na nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan sa bahay ni Ronald Accad nang biglang dumating ang mga suspek. Kinompronta ng mga suspek ang biktima kaugnay sa nalalapit na Barangay election kung saan nagkapikunan hanggang sa maganap ang pamamaslang. Sa follow-up operation ngn pulisya ay nasakote naman ng mga suspek.

Show comments