TUGUEGARAO CITY, Philippines - Umaabot sa 112 katao ang nalason sa kinaing sinigang na tuna na handang tanghaÂlian ng isang hotel dito sa pagpupulong na ini-host ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod na ito ayon sa ulat ni Mayor Jefferson Soriano kamakalawa.

Sinabi ni Soriano na 36 sa mga pasyente ang na-confine sa Dr. Ronald Guzman Medical Center at 76 pa ang ginamot doon bilang mga out-patients.

Ayon kay Soriano, nagÂreklamo ang mga biktima ng pagkahilo, pagsusuka, pagdudumi, paninikip ng hininga, pananakit ng tiyan at pangangati matapos kumain ng sopas na tuna na inihanda sa kanilang pananghalian ng Hotel Carmelita.

Karamihan sa mga pasÂyente ay mga Sagip Pamilya Beneficiaries mula sa lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Viscaya at ilang kawani ng DSWD.

Ayon kay Dr. Ronald Guzman, 25 sa 36 na pasÂyenteng naka-confine ang nakalabas na sa pagamutan nitong Sabado. Samantalang kumuha na rin ng sample ng pagkain ang mga health official upang masuri kung ano ang nakalason sa mga biktima.