Kagawad inutas ng chairman

NORTH COTABATO, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa araw ng kaarawan ng 61-anyos na barangay kagawad matapos itong barilin ng barangay chairman sa Barangay Damawato, bayan ng Tulunan, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Federico Supat, nangungunang konsehal ng barangay habang kinasuhan naman ang suspek na si Chairman Gilberto Espilita. Base sa police report,  nagdaos ng kaarawan ang biktima kung saan may kaunting salu-salo at inuman sa Barangay Hall nang magtalo ang dalawang opisyal. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay binaril ng suspek ang biktima na naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay.

Show comments