MANILA, Philippines - Napatay ang isa sa tatlong security guard ng DOLE Philippines matapos pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Amag, bayan ng Bayabas, Surigao del Sur kamakalawa. Dalawang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Albert Sabalo, 44 , ng Mega VPS Security Agency sa Stanfilco, DOLE na nakabase sa Tago, Surigao del Sur at miyembro ng Quick Reaction Team ng nasabing kompanya. Sa ulat ng pulisya, nag-escort ang biktima kasama ang dalawa pang guwardiya sa container van ng DOLE Philippines kung saan si Lamigo ang nauna sa mga ito bilang advance security sa convoy subalit tinambangan ng NPA pagsapit sa nasabing lugar.