MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang binaril at napatay ang babae ng kanyang kalaguyo bago nagbaril sa ulo ang lalaki sa loob ng apartelle sa Baguio City kamakalawa ng umaga
Kinilala ng pulisya ang lalaki sa pamamagitan ng identification card na nakuha mula sa bangkay nito na si Angelito Rivero, 39, ng Meycauyan City, Bulacan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng babae.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Davy Vicente Limmong ng Cordillera PNP, nadiskubre ng roomboy ang duguang katawan ng dalawa bandang alas-10 ng umaga na magkatabi sa kama sa Room 202 Ferioni 2 Apartelle sa #46 Lower Phil-Am.
Nabatid na nag-check-in sa nasabing apartelle ang dalawa noong Hulyo 14 na nakatakdang mag-checkout kamakalawa ng umaga.
Nang hindi pa lumalabas ang dalawa sa nakatakdang check-out ay kinatok na ng roomboy na si Gaspar Durin subalit walang sumasagot kaya napilitan ng maÂnagement na gamitin ang master key para buksan ang pintuan.
Dito na tumambad na nakalugmok ang dalawa sa kama at may tama ang bala ang cal. 38 revolver sa dibdib.
Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operative (SOCO) sa pamumuno ni P/Supt. Jaime Rodrigo Leal ang cal. 38 Smith and Wesson revolver at tatlong basyo ng bala.
Isinasailalim sa masuÂsing imbestigasyon ang naganap na insidente kung nag-suicide o may foul play sa pagkamatay ng dalawa.