Mag-ama itinumba sa bahay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaaga ang kamatayan ng mag-ama makaraang ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa labas ng bakuran ng kanilang bahay sa Barangay Pugay, bayan ng Baao,  Camarines Sur, kamakalawa ng tanghali. Base sa police report, nakaupo at nagkukuwentuhan ang mag-amang Jaime Orcelada Sr., 73; at Jaime Orcelada Jr. sa labas ng kanilang tahanan nang lapitan at pagbabarilin ng mga maskaradong kalalakihan. Blangko naman ang pulisya sa pamamaslang sa mag-ama habang patuloy ang pagsisiyasat.

Show comments