Sabungan bumigay: 20 sugatan

MANILA, Philippines - Aabot sa 20-katao ang iniulat na nasugatan makaraang mawasak at bumigay ang kaliwang bahagi ng  sabungan sa kainitan ng derby kamakalawa ng gabi sa Barangay Ayala, Zamboanga City, Zamboanga del Sur. Kabilang sa mga nasugatang naisugod sa Brent Hospital at Zamboanga City Medical Center ay sina Miniano Redoble, Perlito Pigampuan, Jimmy Guantero, Papiniano Bairulla, Merlando REdoble, Rosendo Ramirez, Nancy Jujail, Dandy Pontillas, Noel Mariano, Alfred Regosa, Noel Edao, Galib Ramalan, Ismael Misluho, Christopher Tumban, Arnel Villarmina, Elma Ainal, Cecilio Eusebio, at Carlos Macaso, at dalawang iba pa. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bumagsak ang kaliwang bahagi ng Galyera de Ayala cockpit arena habang nasa kainitan ng pustahan ang mga sabungerong dumayo. Pansamantalang ipinatigil ang sabong at iprinayoridad ang pagdadala sa pagamutan sa mga nasugatang biktima.

 

Show comments