Irish dakma sa 2 stik ng damo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bagsak sa kalaboso ang 53-anyos na negosyantengt Irish national makarang makum­piskahan ng dalawang stick ng pinatuyong dahon ng marijuana habang pasakay sa eroplano sa Laoag International Airport sa Ilocos Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Jeffrey Gorospe, spokesman ng Ilocos Norte Provincial Police Office ang suspek na si Eanna O’Cochlain. Bagama’t legal sa Ireland ang paggamit ng marijuana bilang gamot at isinusulong sa kanilang Parliamento ang pagsasa-batas ng legalisasyon ng paghithit at pagtanim nito, umiiral pa rin ang batas ng Pilipinas na bawal, ayon kay Gorospe.
 Nabatid na na-detect sa scanner ng security screening officer sa nasabing paliparan ang dalawang stick ng marijuana na itinago ni O’Cochlain sa kaniyang bagahe. Hindi na nakapalag ang suspek matapos na dakpin habang papasakay sa Cebu Pacific Flight 5J405 sa Laoag City International Airport sa Barangay Gabu. 

 

Show comments