Tulak tiklo sa P5.2-M shabu

CAVITE, Philippines – Arestado ang sinasabing notoryus na tulak ng droga matapos makumpiskahan ng P 5.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa harapan ng malaking mall sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Roberto Fernandez na sinasabing nasa watchlist ng PDEA Region 1. Nasamsam sa suspek ang 1,000 gramo ng shabu, cal. 9mm pistol at SUV 2013 (BV7546) at ang mark money.

Show comments