Magbilas tiklo sa drug bust

CAMARINES NORTE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng magbilas makaraang masakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilatag na buy-bust o­peration sa panulukan ng Bates Street sa Old Albay, Legazpi City, Albay noong Linggo ng madaling-araw. Sa ulat ni PDEA Regional Director  Archie A. Grande, pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Panaudan Cosain “Manong Boy” Maca­rimbang, 47 anyos at Jonah Rose ”Jona” Abraham Jaraba, 24, kapwa nakatira sa Barangay Sultan Esmael, Dasmariñas City, Cavite. Nasamsam sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P.210 milyon.

Show comments