6 bata nalason sa spaghetti

MANILA, Philippines - Anim na bata ang iniulat na nalason makaraang kumain ng  spaghetti na ibinigay ng kanilang kapitbahay sa Barangay Ina­yawan, Cebu City, Cebu kamakalawa. Kabilang sa mga biktima ay sina Kris Justine Alcobendas, Shandin Alcobendas, Krystal Kate Alcobendas, Angela Cabellon, Adrian Jay Cabellon, at si Jeffrey Batoto na pawang magpipinsan. Sa imbestigasyon, ipinamahagi ng kapitbahay ng mga biktima ang dala nitong spaghetti na natira sa catering services bandang alas-5 ng hapon. Gayon pa man, ilang oras matapos kumain ng spaghetti ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, ulo, pagsusuka ang mga biktima kung saan kaagad namang isinugod sa Cebu City Medical Center habang sinusuri naman ang mga natirang pagkain na sinasabing nakalason sa mga biktima.

 

Show comments