Ex- barangay chairman itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 66-anyos na dating barangay chairman makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki kaugnay sa hidwaan sa lupain sa bayan ng Bagulin, La Union kamakalawa.
 Kinilala ni P/Senior Insp. Cirilo Dangla Butigan Jr., hepe ng Bagulin PNP ang biktima na si Esol Quilop ng Barangay Poblacion sa bayan ng San Gabriel.
 Nabatid na nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at ratratin pagsapit sa nabanggit na lugar. 
Ayon kay Butigan, tumatayong mediator ang biktima sa pinag-aawayang lupa sa nabanggit na bayan.

Show comments