KABACAN, North Cotabato, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 25-anyos na tomboy ng ‘di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Tomas Claudio Street, Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib at idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Cherry Ann Villanueva ng Villanueva Subd, sa nabanggit na bayan. Sa tala ng pulisya, ang biktima ay nakulong na noong 2012 matapos masakote ng pulisya na gumagamit ng bawal na droga.