Ama pinabulagta ng anak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 48-anyos na ama matapos itong paluin ng bakal sa ulo ng kanyang anak na lango sa alak kaugnay sa matinding pagtatalo sa hatian sa inaning palay sa Sitio Bittaoh, Barangay Nuesa, bayan ng Roxas, Isabela kamakalawa.
 Kinilala ng pulisya ang napatay na si Rodelio Tungpalan habang tinutugis na ng pulisya ang  suspek na si Alex Tungpalan, 27, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan. Nabatid na kapwa lango ang mag-ama nang magtalo sa loob ng kanilang tahanan hanggang sa nauwi sa pambugbog ng matanda sa kanyang anak.
 Ayon sa ulat, nanlaban naman ang suspek at pinalo ng bakal ang ulo ng ama na nangingisay pa nang lumabas ito ng bahay para tumakas.

Show comments