Negosyante dedo sa tandem

HINDANG, Leyte , Philippines   â€“ Napatay ang 33-anyos na may-ari ng farm matapos ratratin ng motorcycle-riding assassins sa kahabaan ang national highway sa bayan ng Hindang, Leyte noong Huwebes ng hapon. Nasapol ng bala sa mukha, leeg at di-na umabot ng buhay sa Leyte Baptist Hospital ang biktimang si Salvador “Donjie” Picson habang hindi naman nadamay ang tatlong helper nito na lulan ng sasakyan. Ayon sa police report, patungong Barangay Tagbibi na pag-aaring farm ang biktima nang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen. Narekober sa crime scene ang apat na bala ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments