4 kawatan ng bike, arestado

Narekober ng mga tauhan ni P/Supt. Lailene Amparo ang mga motorsiklo na kinulimbat ng mga suspek sa Barangay Balasing, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kuha ni BOY CRUZ

BULACAN , Philippines   â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na kalalakihan na sinasabing notoryus na kawatan ng mga motorsiklo matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Balasing, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Rodel Gravador ng Brgy. San Gabriel; Mart Ryan Carlos De Los Reyes ng Brgy. Balasing; Francis Manalo ng Brgy. Bagong Buhay; Michael Sayo ng Brgy. San Rafael; at si Joel Tamayo ng Brgy. San Martin 1. San Ildefonso, Bulacan. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, naaktuhan ang mga suspek na kinakatay ang motorsiklo sa garahe ng bahay ni Mart Ryan sa Sitio Bagong Barrio, Brgy. Balasing. Narekober din  ng pangkat ni P/Supt. Joel Estaris ang 14 pang motorsiklo na pinaniniwalaang ninakaw.

Show comments