12-anyos dedo sa kidlat

CAVITE, Philippines – Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan laban sa 12-anyos na totoy matapos itong tamaan ng kidlat habang naliligo sa ulan sa Sitio Pugadibon, Barangay Sta. Isabel, bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng tanghali. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Jordan Juralbar. Ayon kay PO2 Plaridel Daprosa, magkakasamang naligo sa ulan ang biktima at ilang kalaro nang tamaan ng matalim na kidlat bandang alas-12 ng tanghali.

Show comments