MANILA, Philippines - Labinsiyam-katao ang nasagip mula sa lumubog na pampasaherong bangka na binalya ng malalakas na alon at hangin sanhi ng masamang panahon sa karagatan ng Sta. Teresita, Palawan kahapon. Sa panayam, sinabi ni Lt. Cheryl Tindog, spokesman ng AFP-Western Command, bandang alas-7 ng umaga ng lumubog ang M/B Salve na patungong pantalan ng Sta. Teresa mula sa Dumaran Island. Kabilang sa mga nasagip ay sina Beverly Pace (pregnant); Fely Balajadia, Analy Ledesma, Mariel Rodriguez, Orlyn Tipon, Normelyn Quindo, Baby Segarino, Sanggunian Bayan Albert Velasquez, Kagawad Osias Cuadrante, Kagawad FerÂnando Fuerza, Joel Ganancial, Kagawad Ernena Galia, Ted Macatangay, Kagawad Yolanda Avenir, Erwin Locsin, Danilo Paguntalan, boat operator at iba pa. Kaagad namang isinailalim sa medical examination ang buntis na si Beverly buÂnga na rin ng sensitibong kondisyon nito.