2 sundalo inutas sa piyestahan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Itinumba ng mga rebeldeng New People’s Army ang  detachment kumander na sarhento at tauhan nitong Cafgu matapos pagbabarilin sa piyestahan sa Brgy. Patag, bayan ng Irosin, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Napuruhan  sa ulo ang mga biktimang sina S/Sgt. Arnel Porcalla , detachment commander ng 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army; at Oliver Delloson na nakabase sa Brgy. San Isidro, Bacon District, Sorsogon City.  Naganap ang krimen sa bahay ni Chairman Bernardo Lirio kung saan naimbitahan ang mga biktima dahil sa kapistahan ng nasabing lugar.  Nabatid na nilapitan at pinagbabaril ang mga biktima  ng isang grupo ng kabataang NPA habang nakaupo at nakikipag-inuman sa ilang bisita ni Chairman Lirio.

Show comments