2 katao patay sa kidlat

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng palayan sa Barangay Elizabeth, bayan ng Marcos, Ilocos Norte noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina  Donald Bineg, 35; at Trinidad Tutop, 67, kapwa nagtamo ng grabeng pagkasunog sa katawan.  Nasa kritikal namang kondisyon sa Marcos General Hospital ang biktimang si Imelda Bautista, 49. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-4:30 ng hapon  ng bumuhos ang ulan na sinabayan ng pagkulog at kidlat na tumama sa grupo ng magsasaka sa palayan.

Show comments