Kaguluhan sumiklab

TULUNAN, North Co­tabato, Philippines - Isa na ang napatay sa naganap na sagupaan ng mga armadong magsasaka at pangkat ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bahagi ng Sitio Barko-barko, Barangay Maybula, bayan ng Tulunan, Cotabato kamakalawa ng hapon. Sa ulat ng pulisya, kinilala ang napaslang na si Dondon Palomo.

 Sumiklab ang bakbakan ng dalawang grupo bandang alas-5 ng umaga kung saan patuloy pa ang mga panaka-nakang putukan sa magkabilang grupo.

Samantala, nagsilikas na ang mga residente sa takot na madamay sa kaguluhan.

 Sa pahayag ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza na inaangkin ng rebeldeng MILF ang Sitio Barko-barko na lupang sinasaka ng mga magsasaka sa Barangay Maybula.

Hinarass ng MILF ang mga magsasaka kung saan kinulimbat ang mga pananim na saging, palay, mais, oil palm at maging ang alagang hayop.

Dahil sa ginawa ng mga rebelde ay nakipaglaban ang mga magsasaka kung saan sumiklab ang bakbakan.

Pinaniniwalaang boundary conflict at land grabbing ang sa dahilan kaya naganap ang bakbakan.

 

Show comments