Pastor dedo sa Kennon Road mishap

BAGUIO CITY , Philippines  â€“ Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan sa isang American pastor  matapos sumalpok ang kanyang kotse sa concrete barrier sa kahabaan ng Kennon Road, Baguio City, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa naantalang ulat ng pulisya, ang biktimang si Rev. Ronald Albert Hoffman, missionary mula sa Indiana, USA ay pauwi na sana nang atakihin sa puso habang nagmamaneho ng kotse kaya nawalan ng kontrol at sumalpok sa gilid ng concrete barrier ng highway.

Kaagad naman rumesponde ang pangkat ng pulisya, Baguio Fire Department at 911 Rescue Team matapos makatanggap ng ulat na may foreigner na naaksidente sa kurbadang highway sa Wabac, Kennon Road.

Nabatid na ang biktima ay nag-checked out mula sa isang hotel at papauwi na sa Sacred Heart Subdivision, Paypayad, Candon City, Ilocos Sur nang makasalubong si kamatayan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay nagtuluy-tuloy sa kabilang linya bago sumalpok sa concrete barrier.

Naka-intact pa rin ang mga gamit ng biktima kabilang na ang P36,190 cash, pitaka na may assorted identification cards, important documents, Samsung cellular phone, relo, car keys at travelling bag na may mga damit.

 

Show comments