Brgy. tanod kritikal sa kidlat

TUGUGUEGARAO CITY, Philippines – Nakikipagbuno ngayon kay kamatayan ang isang 38 anyos na barangay tanod matapos tamaan ng kidlat habang naglalakad kasama ang dalawa pang kaibigan sa Sitio Lagub, Brgy. Sagpatan, Dingras, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni Ilocos Norte Police Spokesman Supt. Jeffrey Gorospe ang biktima na si Edgar Palanggoy ng nasabing lugar.

Kasalukuyang pauwi na ang biktima na naglalakad sa palayan matapos na magtanim ng palay ng biglang kumidlat at tumama sa katawan nito. Ang biktima ay nagtamo ng sunog sa dibdib at likuran ng kaniyang ulo.

Isinugod naman ito sa pagamutan kung saan kasalukuyan ng nilalapatan ng lunas.

Show comments