Mister pisak sa killer trak

MANILA, Philippines - Pisak ang 34-anyos na mister habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos na masagasaan ng  trak sa tabi ng highway sa Barangay Javier, bayan ng Barobo, Surigao del Sur kamakalawa. Naisugod pa sa pagamutan subalit idineklarang patay si Eleazar Pejo habang naaresto naman ang driver ng Fuso canter truck (KER 538) na si Rogelio Mabunga. Ginagamot naman sa D.O.Plaza Hospital ang mga nasugatang sina Maritess Arcasoda, Cercia Haplos at si Anatalia Madrona na pawang pasahero ng trak. Nabatid na nawalan ng preno ang trak kaya nahagip si Pejo na nakatayo lamang sa gilid ng kalsada. Sinuwag din ng trak ang bahay ni Narita Maural na nasa tabi ng highway.

 

Show comments