Himpilan ng pulisya binomba

MANILA, Philippines - Ginulantang ng malakas na pagsabog  ang himpilan ng pulisya kung saan malubhang nasugatan ang isang pulis kamakalawa ng gabi sa bayan ng Mala­ngas, Zamboanga Sibugay. Naisugod sa ospital ang biktimang si SPO1 Editho Talison na nagtamo ng mga sugat sa likurang bahagi ng katawan. Sa ulat ni P/Chief Inspector Ariel Huesca na nakarating sa Camp Crame, nawasak ang patrol car na pag-aari ng Malangas PNP. Lumilitaw na ipinarada ni SPO1 Talison ang kaniyang motorsiklo sa tabi ng patrol car ng biglang sumabog ang bomba na nasa ilalim nito habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments