Inhinyero dedo sa ambush

CAVITE, Philippines – Napatay ang isang inhinyero makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa panulukan ng Marcelino Remulla Street sa Purok 5, Barangay Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng madaling-araw. Lulan ng motorsiklo ang biktimang si Raymond Bilbao ng Barangay Pantihan 3 sa bayan ng Maragondon, Cavite nang tambangan ng di-kilalang gunman. Narekober sa crime scene ang 5-basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments