Tinyente bulagta sa NPA

MANILA, Philippines - Napaslang ang 24-anyos na tinyente ng Philippine Army matapos makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi sa bayan ng Claveria, Misamis Oriental noong Biyernes. Kinilala ni Army’s 4th Infantry Division Spokesman Major Leo Bongosia, ang nasawi na si 2nd Lt. Dennis Avila ng Philippine Military Academy Class 2011. Si Avila ay kabilang sa dalawang nasugatang sundalo ng Army’s 58th Infantry Battalion  na nakasagupa ng mga rebelde sa hangganan ng Claveria, Misamis Oriental malapit sa bayan ng Malitbog, Bukidnon kamakalawa ng tanghali. Samantala, ang isa pang sugatan na si Pfc Ales Andilong ay idineklarang nasa mabuting kalagayan. Nakatakda namang dalhin ang labi ni Avila sa Metro Manila matapos na maabisuhan na ang pamilya nito sa Tarlac.

Show comments