MANILA, Philippines - Apat-katao ang iniulat na nasawi habang aabot naman sa 700 pamilya ang naapektuhan sa naganap na pagbaha at landslide dulot ng Intertropical Convergence Zone sa rehiyon ng Mindanao.
Kinilala ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Eduardo del Rosario ang mga namatay na sina Fatima Maghanoy, 12; Sherlyn Mae Maghanoy, 7; Eziquil Meziah Maghanoy, 3; pawang nakatira sa bayan ng Kabalasan, Zamboanga Sibugay na natabunan sa pagguho ng lupa.
Samantala, si Cesar Castro, 50, ng Quezon, Bukidnon ay namatay naman sa pagkalunod dahil sa flashflood.
Nawawala naman sina Jonie Anastacio, 45, ng Sergio Osmena, Zambonga del Norte at Eugene Maghanoy, 9.
Umaabot naman sa 775 pamilya ang naapektuhan ng mga pagbaha mula sa limang barangay sa Davao City na pansamantalang nanuluyan sa mga evacuation center sa covered court.
Naitala naman sa 85 pamilÂya sa Maa District, 67 pamilÂya sa Matina Crossing, 184 pamilÂya mula sa Matina Pangi, 395 pamilya mula sa Talomo, at 44 namang pamilya sa Tugbok District sa Davao ang naapekÂtuhan ng tubig-baha.
Umaabot naman sa 19 pamilya (111 katao) ang apekÂtado ng landslide sa BaÂrangay Kauswagan, bayan ng Sergio Osmena, Zamboanga del Norte.
Nawasak din ang pamilihang bayan, mga paaralan, daycare centers, mga kalsada sa mga Brgy. Tinago at Brgy. San Isidro bunga ng landslide.
Sa inisyal na pagtaya, aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala ng kalamidad sa agrikultura, ari-arian at maging sa imprastraktura.